top of page
ENGUERO_NICOLE STAR.jpg

NICOLE STAR ENGUERO

"Ang Very Demure na Tagapagtaguyod ng Wika mula sa Curry"

TUNGKOL SA AKIN

       Bilang isang guro na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino, masakit isipin at makita na ang mga kabataan ngayon ay binabalewala ang ating wika. Kaya malugod kong tinanggap ang hamon na maipakita at maituro sakanila ang kagandahan at kahalagahan ng sarili nating wika.

ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

      Para makuha kaagad ang atensiyon ng aking mga mag-aaral, nagbibigay muna ako ng maikling gawain na nakaangkla sa paksang tatalakayin ng sa gayon ay mapukaw ang kanilang atensyon at para may mga paunang ideya na sila sa kung ano ang mga dapat nilang malaman tungkol sa paksa. Gusto rin ng mga mag-aaral na masigla ang klase kaya nagbibigay rin ako ng maikling pampasiglang gawain para mas mabuhayan ang kanilang mga natutulog na kaluluwa.

MGA KARANASAN SA PAGTUTURO

        Sa simula ng aking pakitang turo sa Altamarino Clasio High School ay nakaramdam ako ng kaba, kaba na baka hindi ko maibigay ng maayos ang mga kaalaman na kailangan nilang matutuhan saakin. Naging mahirap sa umpisa dahil kinukuha ko pa ang loob ng aking mag-aaral, dito ko mismong nasaksihan na iba’t iba ang ugali ng bawat isa sakanila. Kailangang mas maging bukas ka sa lahat ng bagay, simula sa dapat sensitibo ka rin sakanilang mga nararamdaman at kung paano tratuhin ng patas ang bawat mag-aaral. Sa bawat pasok ko sa paaralan mas ginaganahan akong magturo dahil nakikita ko sa mata ng aking mag-aaral na gusto at masaya silang matuto. Ang masabihan ng nauunawaan nila ang aralin dahil araw-araw may pagganyak at mas pinapadali ang mga bagay ay masarap sa pakiramdam, mas pinipilit kong galingan dahil may mga batang umaasa at natutuwa na makita kang magturo sa unahan ng apat na sulok ng silid aralan. Masaya at swerte rin na mabait ang aking mentor, nagagabayan at ibinibigay niya ang mga dapat kong matutuhan para maging isang epektibong guro. Sa kabuuan sobrang swerte ko na napunta sa magandang skwelahan na may mababait na guro at mag-aaral na hinayaan akong magbahagi ng kaalaman, magkamali, at matuto na rin sa pagtuturo.

About Us

​

     We are a group of ten student-teacher interns from the College of Development Education - Central Bicol State University of Agriculture (CDE-CBSUA). We call our group, Team Isarog, as a symbol of the community we were assigned to; and as a symbol of the tenacity of a mountain that we showcased during our internship journey. For 2 months, from February 5 to April 4, we had the opportunity to complete our internship journey at Altamarino-Clasio High School (ACHS) in Curry, Pili, Camarines Sur.

 

      Through our teaching internship, we had many learning experiences as we engaged in meaningful classroom experiences, crafting lesson plans, delivery of instruction, and making connections with the entire ACHS community, from our peers to the students, cooperating teachers, the school head, and the school's faculty and staff. This e-portfolio highlights our journey as student teachers - showcasing our achievements, outputs, our school, our reflections, and our growth as we prepare to become educators with confidence, competence, commitment, and compassion.

bottom of page