top of page
IMG_5662.JPG

JASPER A. DOROSAN

"Ang may AngKING Giling na Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino ng Ocampo"

TUNGKOL SA AKIN

​​

     Isang tao na may pangarap sa buhay na nais makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ang mga magulang na maiangat sa kahirapan. Bilang isang guro na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino na maghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral na nais matuto at matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. Parang isang libro sa bawat pahina ay may sariling kabanata ng pagkakakilanlan at katangian na nabubukod tangi sa paglipas ng panahon.

ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

        Ang aking estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay makuha ang atensyon ng mag-aaral na makinig at makasabay sa daloy ng talakayan. Bilang isang guro sa asignaturang Filipino dapat gumamit ng interaktibong pagtatalakay upang hindi mawalan ng pokus ang mga mag-aaral sa iyong tinuturo at panghuli dapat mahalin mo ang iyong itinuturo upang masmadama nila ang halaga ng asignaturang iyong tinuturo.

MGA KARANASAN SA PAGTUTURO

     Sa aking paglalakbay sa mahigit dalawang buwan sa pagpapakitang turo, nagpapasalamat ako sapagkat aking napagtagumpayan ito dahil sa mga gumabay sa akin upang harapin ito. Isa sa mga naging mahirap para sa akin ay kung paano haharapin ang ibat-ibang kasanayan ng mga mag-aaral ng ACHS, ngunit dahil sa gabay ng aking magaling na tagapayong guro ay aking napagtagumpayan ito.Masaya sa pakiramdam ang makita sa mga mata ng mga mag-aaral na natututo sila sa asignaturang Filipino na iyong pinaghihirapan na ituro sa kanila na may buong tapang at pagmamahal na ibahagi ang iyong kaalaman sa kanila.Nagpasasalamat ako sa lahat na naging bahagi ng aking paglalakbay bilang isang guro ng asignaturang Filipino sa mataas na paaralan ng ACHS.

About Us

​

     We are a group of ten student-teacher interns from the College of Development Education - Central Bicol State University of Agriculture (CDE-CBSUA). We call our group, Team Isarog, as a symbol of the community we were assigned to; and as a symbol of the tenacity of a mountain that we showcased during our internship journey. For 2 months, from February 5 to April 4, we had the opportunity to complete our internship journey at Altamarino-Clasio High School (ACHS) in Curry, Pili, Camarines Sur.

 

      Through our teaching internship, we had many learning experiences as we engaged in meaningful classroom experiences, crafting lesson plans, delivery of instruction, and making connections with the entire ACHS community, from our peers to the students, cooperating teachers, the school head, and the school's faculty and staff. This e-portfolio highlights our journey as student teachers - showcasing our achievements, outputs, our school, our reflections, and our growth as we prepare to become educators with confidence, competence, commitment, and compassion.

bottom of page