_edited_edited.jpg)

JASMINE JEAN M. TAGHOY
"Ang Modernong Maria Clara na Nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino ng Curry"
TUNGKOL SA AKIN
Nagmula sa isang mahirap na pamilya at nais bigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga magulang at kapatid. Isang babaeng mayroong pangarap na makapagtapos ng pag-aaaral at maging isang ganap na guro sa wikang Filipino.
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
Bilang isang guro sa Filipino, aking nalalaman na ang tingin ng karamihang mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay nakakabagot pag-aralan. Aking layunin na sila ay matuto at mahalin ang kanilang sariling wika kung kaya’t mas binigyang pansin ko na makuha ang kanilang atensyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga kawili-wiling pagganyak/motibasyon na gawain.
MGA KARANASAN SA PAGTUTURO
Magsisimula ako sa unang araw na aking naitungtong ang mga paa sa lupa ng Altamarino-Clasio High School, sa mga oras na iyon ay naramdaman ko ang iba’t ibang emosyon—takot, kaba, pananabik, at ligaya. Nangingibabaw ang takot sapagkat tila ako ay sasabak sa isang digmaan na hindi ko alam ang wakas kung ito ay aking mapagtatagumpayan. Mga bagong mukha, paligid, ibang-iba sa aking nakasanayang paaralan. Hindi ganap ang aking tiwala sa sarili kaya may halong kaba na baka ako ay mabigo. Gayunpaman ako ay nasasabik dahil ito ay isang malaking hamon na kapag nalampasan ay naghihintay ang matamis na tagumpay. Masaya, dahil ipinagkatiwala sa akin ang mga mag-aaral na naghihintay na sila ay mabahaginan ng kaalaman tungkol sa wikang Filipino. Labis ang aking pasasalamat sa lahat ng mga taong nagsilbing gabay, kaibigan, at guro mula sa CBSUA at ACHS dahil ang kanilang mga iminungkahi na iba’t ibang estratehiya ay aking ginamit at masasabi ko na malaking tulong ang mga ito upang maipakita ang epektibong pagtuturo.